100 sex worker nailigtas sa Pampanga

UMABOT na sa 100 female sex worker ang nailigtas ng mga awtoridad nang salakayin nila ang tatlong sex den sa Angeles City, Pampanga, kagabi, Hunyo 28.

Ayon kay CIDG director Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr., kabilang sa sinalakay ang Sunshine Bar, The Blue Nile at The Golden Nile sa Fields Ave., Barangay Balibago, Angeles City.

Natuklasan na ang Blue Nile at Golden Nile ay pag-aari ng Irish fugitive na si Richard Douglas Agnew.

Una nang nagreklamo ang Crusade Against Good Customs and Decency International, isang non-government organization na nakabase sa lungsod, ukol sa nangyayaring ex tourism sa nasabing bahay aliwan.

Hindi natagpuan ng mga awtoridad si Agnew, subalit tiniyak ni Pagdilao na sasampahan ito ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking of Person Act 2003.

Una rito, sinalakay ng mga awtoridad ang Sunshine Bar, kung saan nailigtas ang 17 sex worker at naaresto ang floor manager na si Terrence James Smith, isang Australiano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply