1,000 pulis ikakalat sa Independence Day celebration

IKAKALAT sa bisinidad ng Luneta hanggang sa United States Embassy ang may 1,000 pulis Maynila para sa selebrasyon ng ika-113 anibersaryo ng Independence Day sa Linggo, Hunyo 12, sa Quirino Granstand, Maynila.

Ayon kay P/C Insp.Erwin Margarejo, spokesperson ng Manila Police District (MPD), binuo ni MPD Director Chief Supt. Roberto Rongavilla ang “Task Force Luneta” para mangasiwa sa peace and order sa pagdarausan ng programa.

Bukod sa nasabing bilang ng kapulisan ay ipakakalat din ng MPD ang K-9 units sa lugar.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang mga ambulant vendor sa paligid.

Tiniyak din ni Margarejo na bantay-sarado ang buong paligid ng Quirino Grandstand para makatiyak na maayos ang mga aktibidad at programa na pangungunahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Iba’t ibang programa naman mula sa iba’t ibang paaralan sa Maynila ang inihanda para sa maghapong aktibidad sa Araw ng Kalayaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply