1,000 pulis ikinalat sa Metro Manila

TINIYAK ni NCRPO Chief Alan Purisima na nakakalat na ang isang libong pulis para bantayan ang seguridad ng mga tao na gugunita sa Araw ng Kalayaan sa kalakhan ng Maynila.

Ayon kay Purisima, kailangan ng ganoon kadaming pulis na nakakalat upang masiguro ang seguridad ng mga mamamayang Pilipino na makikilahok sa ika-113 na selebrasyon ng ating kalayaan.

Marami ang ipoposte sa Rizal Park dahil dadalo ang mahahalagang tao ng pamahalaan.

Inanyayahan din ng NCRPO chief na makilahok ang mga Pilipino sa pagdiriwang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply