10,000 tonelada ng bigas inayuda ng Taiwan

BINIGYAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 10,000 tonelada ng bigas ng pamahalaan ng Taiwan bilang donasyon para sa anti-hunger project ng naturang ahensya sa bansa.

Ang hakbang ay batay sa memorandum of agreement na nilagdaan sa pagitan nina DSWD Secretary Dinky Soliman at Ginoong Alfredo Li, chief executive officer ng Tzu Chi Foundation, isang Taiwan based non profit NGO.

Binigyang diin ni Li na ang naturang bigas sa Food for Work at Food for the Poor Projects ng DSWD  ay para sa taong 2011 hanggang 2013.

Inaasahang makikinabang sa naturang donasyon ang 70,000 mahihirap na pamilya sa bansa.

Sinabi ni Soliman na malaking tulong ang naturang donasyon ng Taiwan upang higit na maipalaganap ang programa ng pamahalaan kontra kagutuman.

Sa ngayon,  nasa bodega na ng DSWD sa Pasay City ang paunang 500 tonelada ng bigas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply