11 nawawala dahil kay ‘Falcon’

TINATAYANG 11 katao na ang nawawala makaraang magdulot ng baha ang malakas na ulang dala ng bagyong “Falcon.”

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council sa kanilang 6 a.m. update, kabilang sa mga nawawala ang isang katao sa Albay at 10 mangingisda sa Catanduanes.

Kinilala ng NDRRMC ang mga nawawala na sina:
• Rosa Belga Ordan, 54, Sitio Buga, Brgy. Basag, Ligao City, Albay, naanod ng rumaragang baha.
• Antonio Bailon, 40, fisherman, Brgy. San Vicente, Virac, Catanduanes
• Jason Balingit, 16, fisherman, Brgy. San Vicente, Virac, Catanduanes
• Pedro Balingit, 37, fisherman, Brgy. San Vicente, Virac, Catanduanes
• Nestor Mandasoc, 53, fisherman, Brgy. San Vicente, Virac, Catanduanes
• Jonsy Rodriguez, fisherman, Brgy. San Vicente, Virac, Catanduanes
• Denver Sta. Ines, 2, Brgy. San Vicente, Virac, Catanduanes
• Paquito Tabios, 40, fisherman, Brgy. San Vicente, Virac, Catanduanes
• Prospero Tabios, 55, fisherman, Brgy. San Vicente, Virac, Catanduanes
• Rolando Tabios, 30, fisherman, Brgy. San Vicente, Virac, Catanduanes
• Vicente Tapit, 40, fisherman, Brgy. San Vicente, Virac, Catanduanes

Ayon pa sa NDRRMC, naapektuhan ng baha at pag-ulan ang 32,118 pamilya o 166,708 katao sa 132 barangay villages sa 17 bayan sa Bulacan, Pampanga, Zambales, Rizal, Albay; at sa lungsod ng Makati, Malabon, Maynila, Marikina, Quezon City, Taguig, at Valenzuela sa Metro Manila.

Nabatid na 10,143pamilya o 48,712 katao ang nasa 23 evacuation center ngayon sa Albay, Rizal, Zambales at Metro Manila.

Sa Zambales, tinatayang P1.923 na ang nasisira ng bagyo sa kanilang agrikultura at imprastraktura.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply