12 katao nawawala pa rin dahil kay Dodong

TINATAYANG 12 katao pa rin ang nawawala makaraang manalasa ang bagyong “Dodong” (Sarika) sa bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, kabilang sa mga nawawala ang crew member ng isang balsa at mangingisda na hindi na nakauwi sa kanilang tahanan.

Samantala, nailigtas naman ang may 38 katao at ilang barge crew members .

Nailigtas din ng Philippine Coast Guard ang tatlong mangingisda sakay ng motor banca sa Hundred Islands , Pangasinan.

Kaugnay nito, 232 pamilya o 686 katao sa Batangas City, Tagaytay City at Taguig City ang inilikas sa mataas na lugar.

Sa kasalukuyan tinatangkilik ng evacuation center sa Bagumbayan sa Taguig City ang may limang pamilya, 25 katao.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply