Dedo sa pagbaha sa Mindanao 12 na

UMABOT na sa 12 katao ang namatay sa malawakang pagbaha sa Mindanao simula noong Mayo 31.

Nilinaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hindi ito sanhi ng mga nagdaang bagyo kundi bunsod ng mga pag-ulan na epekto ng hanging habagat.

Base sa datos ng NDRRMC, apektado ng pagbaha ang Regions 10, 11, 12 at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) mula Mayo 31 hanggang Hunyo 19.

Sa kabuuang bilang ng mga namatay sanhi ng pagkalunod, sampu ay mula sa North Cotabao, isa sa Cotabato City at isa sa Davao del Norte.

Sinabi ni NDRRMC Director Benito Ramos na dalawa ang naitalang sugatan sa flashfloods.

Aabot naman sa 135,921 pamilya o 703,199 na indibiduwal ang apektado ng kalamidad sa 575 barangay sa 59 munisipalidad at limang lungsod sa sampung lalawigan.

Tinatayang umabot sa P429,048,384 ang danyos sa ari-arian, agrikultura at imprastraktura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply