12 NAIA ramp controllers sabay-sabay nagbitiw

SABAY-SABAY na nagbitiw sa puwesto ang 12 ramp controller mula sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport,  sinasabing masusundan pa, iniulat Miyerkules ng gabi.

Kabilang sa susunod na aalis pa ay si Adolfo Maria, na nagsabing dahil sa sobrang baba na pasahod sa kanila kaya mas pinili ng iba pa niyang kasamahan na maghanap na lamang ng ibang trabaho o mangibang bansa.

Sa ulat,  ang 12 nagbitiw na ramp controller ay pawang mga contractual na sumasahod lamang ng P13,ooo kada buwan at walang benepisyo.

Ang mga ramp controller ang kausap ng mga piloto at air traffic controllers kung saang terminal maaaring mag-landing ang isang eroplano.

Napag-alaman na nagsipagbitiw ang nasabing ramp controllers makaraang ma-hire ng ibang kompanya na mas mataas ang ibinibigay na pasahod, habang ang iba ay nagsipag-abroad na.

Siniguro naman ng NAIA administration na hindi magiging problema sa kanilang operasyon ang pagbibitiw ng nabanggit na mga empleyado.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply