120 kilong bocha nasabat

UMABOT ng 120 kilong botchang karne ang nasabat ng pulisya sa Barangay Sta.Barbara sa bayan ng Baliwag, Bulacan.

Nabatid na isang tipster ang kumontak sa mga pulis na mayroong umanong isang tricycle na may kargang botcha sa naturang lugar.

Natiyempuhan ng mga pulis ang isang tricycle na minamaneho ng isang Larry Garcia na may dalang bocha.

Kaagad namang sinunog ang nabubulok na mga karne at dinala sa istasyon ng pulis ang driver para sampahan ng kaukulang kaso.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply