120,000 tao stranded sa Australia dahil sa volcanic ash

SUMIRIT na sa 120,000 katao ang stranded sa iba’t-ibang bahagi ng Australia, dahil na rin sa volcanic ash mula sa sumasabog na bulkan sa Chile.

Samantala daan-daang flights na ang kinansela dahil sa volcanic ash gayundin ang mga flights patungong Tasmania at New Zealand kaugnay nito nadagdagan din ang mga lugar sa Australia na naapektuhan ng ash cloud.

Kabilang dito ang mga lungsod ng Canberra, Sydney, Adelaide, Melbourne, Mildura, Port Lincoln, New Castle at Perth.

Nabatid na huminto na sa kanilang operasyon domestic man o international, ang Qantas airways ang flag carrier ng Australia.

Una nang ipinabatid ng Australian Volcanic Ash advisory center na inaasahang tatagal pa hanggang ngayong araw na ito, Hunyo 22, ang volcanic ash sa airspace ng Australia. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply