129 classroom itatayo sa Occidental Mindoro

MAGPAPATAYO ang pamahalaan palalawigan ng Occidental Mindoro ng 129 classroom para masolusyunan ang lumalalang “classroom shortage”  dito, pahayag ng Department of Education (DepEd) .

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, lumagda na sila ng memorandum of agreement (MOA) ni Occidental Mindoro Gov. Josephine Ramirez Sato para sa pagtatayo ng may 129 bagong
silid-aralan para sa school year 2011-2012 sa pamamagitan ng LGU-DepEd Counterparting Program.

Nabatid na sa kasalukuyan ay mayroong shortage na 256 classrooms ang lalawigan at sakaling maitayo ang nabangit na mga silid aralan ay mababawasan ng kalahati ang problema.

Sinabi ni Luistro na kung lahat ng LGUs ay magkakaroon ng determinasyon para masolusyunan classroom shortage ay malaki ang posibilidad na matatapos na ang problema ng mas maaga bago ang 2013.

Sa ilalim ng  DepEd-LGU Counterparting for Classroom Construction Program, tatapatan ng DepEd ang halaga ng pondo na ilalabas ng bawat LGUs.

Sinabi pa ni Luistro, matagal ng problema sa bansa ang classroom shortage kaya isinusulong ng ahensiya ang naturang programa.

Ang programa ay may kabuuang pondo na P99.2 milyon at inaasahang matatapos bago ang pagbubukas ng klase sa 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply