13 dayuhang pugante nalambat ng BI

PINAIGTING pa ng Bureau of Immigration (BI) ang kampanya laban sa mga dayuhang pugante na ginagawang lungga ang Pilipinas matapos masakote ang 13 pinaghahanap ng batas sa kani-kanilang mga bansa simula noong Marso hanggang nitong nakalipas na buwan.

Sa isang kalatas, sinabi ni BI Intelligence Division chief, Maria Antonette Bucasas-Mangrobang na tumaas ang bilang ng mga nahuling dayuhang pugante sa bansa simula nang maluklok si Commissioner Ricardo David Jr., bilang punong opisyal ng kawanihan noong Marso.

Aniya, karamihan sa mga nasakoteng dayuhan ay ipinatapon na sa pinagmulang bansa at kasalukuyang humaharap sa paglilitis o kaya naman ay nasa bilangguan na upang pagdusahan ang kasong kinasangkutan.

Inilagay din sa listahan ng mga personalidad na hindi na makapapasok pa sa Pilipinas ang mga pugante.

Sinabi naman ni David na hindi dapat maging taguan ang bansa ng mga dayuhang pugante at gagawin ng kawanihan ang lahat ng legal na pamamaraan upang mahuli ang mga ito.

Sa ibinigay na ulat kay David, karamihan sa mga nahuling dayuhan ay mga Amerikano, at may ilan ay mula sa Mainland China, South Korea, Germany at Taiwan.

Kasong child molestation, murder, robbery, pag-iingat ng baril at panloloko ang kaso ng mga nahuling dayuhang pugante.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply