13 ex-Pagcor execs kinasuhan ng pangungurakot

KINASUHAN ng malversation of public funds at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) sa Department of Justice (DOJ) ang 13 dating opisyal nito at 14 na iba pa kaugnay ng umano’y pag-disburse ng pondo ng pamahalaan na may halagang P26.7 milyon para sa pelikulang “Baler” noong  2008.

Ang mga kinasuhan ay sina: ex-Pagcor officials Efraim Genuino, ex-chairman at chief executive officer; Rafael “Butch” Francisco, ex-president at chief operations officer; ex-board members na sina Manuel Roxas, Philip Lo at Gamaliel Cordoba, na ngayon ay commissioner ng National Telecommunications Commission; Jose Benedicto, dating chief os staff ng Pagcor; Rene Figueroa, dating executive vice president; Edward “Dodie” King, dating senior vice president ng corporate communications and services department; Carlos Bautista Jr. dating vice president ng legal department; Esther Hernandez, dating vice president ng accounting department; Valente Custodio, dating assistant vice president ng internal audit; Jesselyn Durante-Cuizon, dating assistant manager ng legal department; at dating executive assistant Erwin Genuino, anak ni Ephraim Genuino.

Kinasuhan din ang BIDA Foundation officials na sina Mario Cornista, Rodolfo Soriano Sr., Emilio Marcelo, Philip Beltran, Luis Guerrero, Olive Soriano, Jesus Velmonte, Carol Matsuda at Josephine Sumangil-Evangelista, na ngayon ay vice mayor ng  Los Baños, Laguna.

Kasama rin sa mga kinasuhan si VIVA Communications Inc. chairman at chief operations officer Vicente del Rosario, Jr., corporate secretary Marcia Gina Lopez, associate producer at road manager Hermie Go, comptroller at accountant Ma. Theresa Santiago at sales and distribution representative Tony Magtoto.

Ayon sa Pagcor ang kaso ay nag ugat sa isang joint production ng pelikulang Baler sa pagitan ng VIVA at BIDA Productions.

Ang Baler ay isa sa official entries sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang mga executive producer nito ay sina Del Rosario para sa VIVA at si Erwin Genuino para sa  BIDA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply