133 pulis tinanggal sa serbisyo

INIULAT ni Philippine National Police Chief, Director General Raul M. Bacalzo na umabot sa 133 pulis ang kanilang tinanggal sa serbisyo dahil sa mga kasong katiwalian at kriminal sa loob lamang ng anim na buwan.

Ayon kay Bacalzo, umaabot sa 525 na kapulisan ang kanilang iimbestigahan dahil sa iba’t ibang kaso. Kung mapapatunayan umano itong nagkasala ay matatanggal din ito sa serbisyo o dili kaya ay masususpinde ang mga ito.

Samatanla, nag-recruit umano ang PNP ng humigit kumulang 6,000 police personnel ngayong taon para maibsan ang kakulangan ng pulis sa bansa. Ayon sa PNP Chief, karamihan ng 80 porsiyento sa mga kanilang bagong recruit ay pawang mga kalalakihan.

Nabatid na umabot lamang ng higit isang libong kababaihan ang nakuha sa recruitment. Sumasailalim umano ito nang matinding training para matugunan ang pangangailangan ng ahensiya.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply