138 sako ng pampasabog nakumpiska sa Mindoro

UMAABOT sa 138 sako ng mga pampasabog ang nasabat ng awtoridad sa Dangay Port sa Roxas City, Oriental Mindoro.

Ayon kay Lt. Col. Wilbur Mamawag, commander ng 4th Infantry Battalion, kabuuang 3,136 libras ng TNT ang nasabat na may kapasidad na magpasabog ng sampung-palapag na gusali.

Lulan ang mga pampasabog sa isang Forward Mitsubishi truck na isasakay sana sa RORO vessel na M/V Maharlika Siete patungong Caticlan, Aklan.

Kabilang sa mga nakumpiska ang ammonium nitrate na bagaman ginagamit na pataba sa lupa ay sangkap din ito sa paggawa ng improvised explosive device.

Iniimbestigahan naman ang driver ng truck na si Willy Basanes, 48, habang nakatakas ang kasama nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply