14 iligal na pribadong minero sa Benguet kakasuhan

SASAMPAHAN ng kaukulang kaso ang labing-apat na illegal private miners makaraang madakip ng mga pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Mine and Geosciences Bureau (MGB) sa Nuggets Hill, Ampaucao, Benguet.

Ayon sa report ng Cordillera PNP, kinilala ang mga naaresto na sina Tingwan Dao-ay, Fernando Ofoob Falaw-ed, 26; Donald Imado Imperial, 30; Herman Mamattong Masgay, 37; Reynaldo Macusi Amoyen, 45; James Balas Calpi, 22; Rudy Mamattong Masgay, 22; Jerry Ogannod Pisipis, 19; Moises Sara-ed Bagay, 19; Crisanto Sadyok Oli, 40; Anthony Malidun Digmo, 29; Jodel Obar Sabado, 37; Jessie Mariano Watawat, 18; at John Perez Watawat, 44.

Ang mga minero ay nabatid na nagmula sa lungsod ng Baguio at sa iba’t-ibang lalawigan sa Cordillera Region at nagtungo sa Nugget Hill para sa iligal na pagmimina. Nakumpiska sa mga ito ang 11 sako ng gold ore at iba pang gamit sa pagmimina.

Napag-alaman ng mga awtoridad na ang naturang mga iligal na minahan ay pinamumunuan nina Tingwan Dao-ay at Abe Camiding na nagsisilbing financier at operator.

Magugunita na isang private miner ang malubhang nasugatan makaraang masabugan ng dinamita sa loob mismo ng tunnel sa Campo Singko, Acupan, Virac, Benguet niton ng karaang Miyerkules, Hunyo 8.

Ayon sa Cordillera PNP, ang biktimang si Basaij Macayba, 52, ay nilalapatan ng lunas sa Baguio General Hospital and Medical Center. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply