14 patay, 35 nawawala sa baha sa China

DAHIL sa patuloy na buhos na ulan na nagdulot ng tubig baha, 14 katao na ang iniulat na namamatay samantalang 35 pa ang nawawala sa timog-kanlurang bahagi ng China.

Batay sa ulat ang baha ay nagdulot ng pinsala sa mga tulay at kalsada na sumira at tumangay sa tinatayang 100 kabahayan at umanod sa halos 500 sasakyan.

Iniulat pa ng awtoridad sa probinsya ng Guizhou, napilitan ang 45,000 residente na lumikas sa kani-kanilang bahay at umaabot naman sa 3,000 katao ang na–stranded

Ayon sa mga opisyal lumubog sa tubig baha ang buong probinsya ng Wangmo mula pa nitong Lunes at napinsala ang suplay ng kuryente pati na ang suplay ng tubig at serbisyo ng komunikasyon sa ibang bayan.

Ayon sa  provincial civil affairs, ang patuloy na buhos ng ulat ang nagdulot na malaking tubig baha na sumalanta sa 11 lungsod at bayan sa Guizhou mula pa nitong nakaraang Hunyo 3 at naka-apekto sa 270,000 mamamayan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply