14 patay sa baha sa China

UMABOT sa 14 na katao ang patay habang 53 pa ang nawawala sa China bunsod ng pagbaha dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan.

Ayon sa Ministry of Civil Affairs ng bansa na 53 katao pa ang nawawala, ilang araw na rin walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan sa probinsiya ng Guizhou, timog kanluran ng China.

Napilitan din lumikas ang tinatayang 45,000 na mga residente sa 14 na siyudad na apektado ng masamang panahon.

Ayon sa isang opisyal ng bansa, tataas pa umano ang bilang ng mga nawawala kapag natapos na nilang mapuntahan ang ibang sinalantang lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply