14 Pinay na-rescue sa human trafficking attempt sa Zamboanga

NAUNSIYAMI ang tangkang pagpuslit ng mga human trafficker sa 14 undocumented Filipina workers, iniulat Lunes ng gabi.

Nabatid sa awtoridad na na-rescue nila ang nasabing mga biktima na nakasakay na sa M/V Trisha Kirstin 2.

Napigil ang tangkang pagpuslit sa kababaihan nang makatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa human trafficking attempt, dahilan kaya nailigtas ang mga biktima na nasa edad 22 hanggang 41.

Lumalabas na mula sa Bongao, Tawi-Tawi ay dadalhin ang mga biktima  sa Malaysia, Lebanon, at Jordan.

Kung natuloy ang pagpuslit sa kababaihan, hinala ng awtoridad na posibleng masadlak sa sex at organ trade ang mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply