155,000 ‘ghost’ beneficiaries ng CCT, nabuko

IBINUKING ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman sa oversight committee on public expenditures na mahigit 155,000 pamilya ang tinanggal sa Conditional Cash Transfer program ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) matapos matuklasang ghost beneficiaries pala ang mga ito na nakalista sa ahensiya.

“Nakapag-alis na kami ng 155,000 na pangalan na inalis dahil may reklamo o mismo sila nagsabi ‘hindi kami dapat maging benepisyaryo’ o dili kaya sila ay hindi na nakatira kung saan nandoon ang project,” ani Soliman.

Sa bilang na ito, nasa 80,000 “ghost family” ang nakalistang beneficiary sa Maguindanao, isa sa lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kung saan talamak ang dayaan sa eleksyon dahil sa ‘ghost voters’.

Hindi naman maalala ni Soliman kung magkano ang halagang sangkot sa ghost families na ipinatanggal niyang beneficiary ng CCT sa ilalim ng 4Ps.

Makatatanggap ang bawat pamilya ng halagang P500 kada buwan at karagdagang P300 sa bawat anak na hindi lalampas sa tatlo sa kondisyon na papasukan nito ang 85 porsyento ng school calendar  sa eskuwelahan.

Ipinabatid din ng kalihim na kulang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P2 bilyon upang tustusan ang program ngayong 2011 dahil napabilis ang ahensiya sa pagpaparehistro ng mga beneficiary na sinimulan noong Pebrero sa halip na Marso.

Gayunman, kung hindi sila mabibigyan ng karagdagang budget, magdadahan-dahan na lamang ang ahensiya sa registration hanggang sa matapos ang 2011.

Umaabot sa P21.9 bilyon ang alokasyon sa 4Ps ngayong taon upang masakop ang mahigit 2 milyong pamilyang naghihirap sa bansa.

Nasa P4.1 bilyon ang nagamit sa nasabing pondo na ipinamahagi sa 1.6 milyong pamilya sa buong panig ng bansa maliban sa lalawigan ng Batanes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply