16 pang bagyo, mananalasa sa 2011

MAYROON pang labing-anim na mapaminsalang bagyo ang inaasahang papasok sa teritoryo ng Pilipinas, babala kahapon sa publiko ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon kay Aldczar Aurelio, Pagasa forecaster, anim na bagyo na ang pumasok sa bansa simula noong Enero at aasahan pa ang 15 hanggang 16 na mga bagyong papasok bago matapos ang 2011.

“Naka-anim na tayo, mga 15 to 16 pang bagyo,” saad ni Aurelio.

Sa ulat ng Pagasa, 21 hanggang 22 cyclones ang maaaring manalasa sa bansa kada taon.

Gayunpaman, tiniyak ni Aurelio na wala pang namamataang bagyo o anumang senyales ang ahensya sa panibagong bagyong posibleng manalasa sa bansa.

Sa huling datus ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), tatlo ang nasawi, habang tinatayang P152.711 milyong kabuuang halaga ng imprastruktura at sektor ng agrikultura ang naapektuhan ng bagyong Falcon.

Inaasahang papasok sa bansa ang mga bagyong may pangalan na tulad ng Goring, Hanna, Ineng, Juaning, Kabayan, Lando, Mina, Nonoy, Onyok, Pedring, Quiel, Ramon, Sendong, Tisoy, Ursula at Viring.

Kung posibleng umabot sa 22 ang bilang ng mga bagyong papasok sa bansa, papangalan silang Weng, Yoyoy at Zigzag.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply