160 gramo ng shabu nasabat sa NAIA

HUMIGIT-KUMULANG sa 160 gramo ng shabu ang natagpuan sa loob ng backpack na inabandona ng isang pasahero habang nasa initial x-ray machine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 kahapon.

Ayon kay Supt. Moises Tuliao ng PNP-Aviation Security Group, ang backpack ay unang dinala sa “lost and found” ng terminal 3 na matatagpuan sa ikalawang palapag ng naturang gusali para sa dokumentasyon bago ibinigay sa PNP aviation.

Dagdag pa ni Tuliao na bumungad sa kanila ang droga makaraang mabuksan ang bag ng dalawang plastic sachet na may lamang yellowish granules na nakabalot sa carbon paper na ang intensiyon ay iligaw ang x-ray machine technician.

Ang nasabing droga ay masinsing inilagay sa pagitan ng mga lumang damit para hindi mahalata sa initial security check ng terminal.

Nabatid na nagkulay orange ang gitna ng bag nang ilapag ng courier sa x-ray pero nang mapansin ng security personnel na kakaiba ang kulay ay saka sumibad umano ang may-ari palabas ng terminal 3.

Ayon pa kay Tuliao, lahat ng gamit na nagkukulay orange habang idinaan sa x-ray machine ay kusang isasailalim sa manu-manong inspeksiyon upang malaman kung ano ang tunay na laman ng bag.

Dito na, aniya, nadidiskubreng may mga droga na hindi sinasadyang madiskubre ng mga otoridad sa mga bag ng pasahero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply