160,000 katao apektado kay ‘Falcon’

UMAABOT na sa 11 katao ang nawawala habang mahigit sa 160,000 katao naman ang apektado na ng pagbaha dahil sa walang humpay na pag-ulan dulot ng bagyong Falcon sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon at Bicol region.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Biyernes ng umaga, 10 sa mga nawawala ay mula sa Catanduanes na kinilalang sina Bailon, Antonio Avila, Jason Balingit, Balingit Pedro, Nestor Tapit Mandasoc, Jonsy Rodriguez, Denver Sta. Ines, Paquito Tabios, Prospero Tabios, Rolando Tabios at Vicente Tapit na pawang mga mangingisda mula sa Barangay San Vicente, Virac, Catanduanes.

Isa rin ang nawawala mula sa Bicol region na kinilalang si Rosa Belga Ordan ng Barangay Basag, Ligao City, Albay na tinangay ng tubig baha.

Samantala, umabot na sa 32,118 pamilya o katumbas ng 166,708 katao ang apektado ng mga pagbaha kung saan nasa 3,216 dito ay mula sa Metro Manila na karamihan ay nasa evacuation centers.

Sa Bicol umabot sa 107,253 na katao ang apektado kung saan umabot sa 42,612 ang nasa evacuation centers, habang nasa 3,332 katao rin ang apektado sa lalawigan ng Rizal, samantalang nasa 52,907 indibiwal naman ang napirwesyo sa Region III o Central Luzon na kinabibilangan ng Bulacan, Pampanga at Zambales.

Nasa P1.9 million naman ang halaga ng pinsala imprastraktura at agrikultura sa nabanggit na mga lugar.

Patuloy naman sa pamimigay ng tulong ang pamahalaan sa mga apektado ng kalamidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply