17 tripulante ng sumadsad na barge nasagip

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may 17 tripulante matapos sumadsad sa breakwater ng Manila Bay sa Navotas area ang barkong sinasakyan nila Biyernes ng umaga.

Ayon kay Commander Gregorio Adel Jr. ng PCG Manila Station, dahil sa lakas ng hampas ng alon kagabi ay tinangka ng kapitan ng LCT Dona Peralta na si Capt. Roque Rondal, Jr. na alisin ang kanilang pagkakaangkla, subalit nagkaaberya ang makina ng kanilang barge.

Dahil dito, hindi kinayanan ng barge ang malakas na hampas ng alon kaya dakong 10:30 ng gabi ay nagpasya itong mag-abandon ship.

Ayon naman kay Commodore Luis Tuazon Jr., commander ng PCG NCR-Central Luzon, agad silang nagpadala ng mga rescue team lulan ng maliit na bangka, ngunit maging ang mga ito ay nahirapan din dahil sa sobrang sungit ng panahon.

Pasado ala-singko ng umaga nang magtagumpay na nasagip ang mga nasabing tripulante.

Nabatid na ilan sa mga tripulante ay lumangoy na lamang ng ilang metro bago pa man sila tuluyang nailigtas sa posibleng kapahamakan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply