18 flights ng Cebu Pacific kinansela

KINANSELA ng Cebu Pacific airlines ang 18 flight nito dahil sa sama ng panahon sa bansa.

Sa advisory sa Facebook page ng Cebu Pacific ay nabatid na kinansela nito ang mga flight na 5J895 at 5J898: Manila-Caticlan-Manila, 5J521 and 5J522: Manila-Naga-Manila, 5J821 and 5J822: Manila-Virac-Manila, 5J533: Manila-Cebu, 5J132, 5J908, 5J909: all Manila-Caticlan, 5J891, 5J892, 5J919, 5J920, 5J893, 5J894: all Manila-Caticlan-Manila, 5J133: Caticlan-Cebu , 5J132: Cebu-Caticlan.

Nabatid na ang mga naapektuhang pasahero ay makabibiyahe sa mga susunod na available flight.

“We always place top priority in your safety. Thank you for your understanding,” pahayag ng Cebu Pacific.

Bago ito, nagpahayag ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang pagkulog at kalat-kalat na pag-ulan ay magpapalakas sa namataang low-pressure area sa Calapan, Oriental Mindoro.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply