18 patay, 10 nawawala sa flashflood sa Davao

UMABOT na sa 18 ang namamatay habang 10 naman ang nawawala sa naganap na flashflood sa Davao kagabi, Hunyo 28, bunsod nang walang humpay na pag-ulan.

Pinangangambahan ngayon na posibleng lumobo pa ang bilang ng mga nasawi sa naganap na flash flood na nagsimula pa kagabi, matapos na marekober ang 14 na bangakay ng mga awtoridad. Karamihan sa mga ito ay bata habang mahigit sampu pa ang sinasabing nawawala, ayon sa pinagsama-samang ulat ng military at pulsiya ngayong Miyerkules.

Ayon kay PNP Public Information Office chief, P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., matapos na bahagyang humupa ang rumaragasang tubig sa ilang barangay, 14 na bangakay ang kanilang narekober.

Sa inisyal na ulat, kinilala ang mga nasawi na sina Angelita Paches, 65; Alexandre Baricuatro, 4; Jason Ataros 3; John Micheal Alvarez, 7; Rowena balderosa, 7; Melchin Roseno,2; John Carlo Alvarez, 3; Tito Servidad, 53; pawang residente ng Matina at Pangi

Nabatid na nagsimula ang pagragasa ng tubig baha bandang 11:00 ng gabi at umabot hanggang 5:00 kaninang umaga sa mga apektadong lugar na kinabibilangan ng Ma-a; Matina, Pangi, Matina Crossing, Talomo and Matina Aplaya.

Sinasabi ng Office of Civil Defense, upaw ang Pangi River dahil sa nang walang humpay na pag-ulan.

Dahil dito, nagsilikas ang maraming residente.

Nabatid din na may 50 kabahayan na naktayo sa gilid ng ilog ang nawasak o tinangay nang rumaragasang tubig.

Itinakda naman ang emergency meeting ng pamahalaang lungsod ngayong ala-una y medya ng hapon.

Ipinatawag ni Mayor Duterte ang mga miyembro ng Davao City Peace and Order Council para sa kani-kanilang ulat at assessment ng pagbaha upang mabilis na matugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng mga apektadong pamilya.

Napag-alaman na lumubog din sa baha ang maraming sasakyan sa siyudad.

Sa ngayon ay naghahanda na ng relief operation ang lokal na pamahalaan para sa mga biktima at may itinalaga na ring mga evacuation center sa mga ito.

Itinuturo naman ng Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang umiiral na intertropical convergence zone sa bahagi ng Mindanao ang naging dahilan ng mga pag-ulan hanggang sa magdulot ng pagbaha sa Davao City kagabi.

Nagpaliwanag si Science and Technology  Undersecretary Graciano Yumol na kahapon at hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis sa Mindanao ang naturang sama ng panahon.

Batay aniya sa kanilang mga forecast, asahan na ang mga pag-ulan at maulap na papawirin na mararanasan rin sa ilang bahagi ng Visayas.

Dagdag pa ni ZYumol, ang nangyaring flashflood kagabi sa Davao ay nangangahulugan lamang na hindi na kaya ng daluyan ng tubig at ito ay kahalintulad din umano ito sa nangyari sa Cotabato City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply