185 minaltratong OFW balik-Pinas na

MAKARAANG makaranas ng matinding paghihirap, nakauwi na ang 185 overseas Filipino worker (OFW) na inilikas mula sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA)

Kabilang sa mga nakabalik ay ang mahigt sa 50 menor de edad na OFW.  Ang mga ito ay dumating Martes ng madaling araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakay ng Etihad flight.

Ang mga Pinoy worker ay pawang naiulat na dumanas ng iba’t ibang kaapihan mula sa kani-kanilang amo.

Nagpahayag sila ng pagpapasalamat sa pamahalaan dahil umano sa pagsusumikap nitong matulungan silang makabalik ng bansa.

Nagtulung-tulong ang Department of Foreign Affairs (DFA),  Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs, kasama na ang Office of the President-Presidential Adviser on Political Affairs, Office of the Vice President, Department of Labor and Employment, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), House of Representatives committee on overseas workers affairs, at ng Office of Muslim Affairs, upang makauwi ang mga naturang OFW.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply