19-anyos nagpalaglag, 2 cytotec naiwan sa ari

KAMBAL na sanggol sana ang iluluwal ng 19-anyos na dalagita nang magpalaglag ito matapos madiskubre ang dalawang tableta ng Cytotec na naiwan pa sa kanyang ari nang maOspital sa Sampaloc, Maynila.

Dahil dito, isasailalim sa masusing pagsisiyasat ang biktima habang nakaconfine sa Ospital ng Sampaloc na itinago ang pagkakilanlan sa “Janinay,” dating nag-aaral sa Far Eastern University na may kursong Hotel and Restaurant Management (HRM).

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Gerardo  Rivera kay P/Sr.Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dinudugo ang dalagita nang isugod sa nasabing pagamutan dakong 11:10 ng tanghali, nitong Martes.

Agad na sinuri ang dalagita at nadiskubre ang dalawang Cytotec sa loob ng kanyang ari, maging ang kambal na fetus na babae na tinatayang nasa 5 hanggang 6 na buwan na.

Nabatid naman sa boyfriend ng biktima na si Kenneth, 20, estudyante naman ng UST  na may isang taon at tatlong buwan na silang magkasintahan ng dalagita pero ngayon lamang niya nalaman na buntis ang kasintahan.

Nakatakdang kasuhan ang estudyante sa sadyang pagpapalaglag sa kanyang ipinagbubuntis.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply