194 bagong kadete kabilang sa PMA Sinag-lahi Class 2015

OPISYAL nang kinilala ngayon ng Philippine Military Academy (PMA) ang  194 na bagong kadete ng akademya na bubuo ng PMA Sinag-lahi Class of 2015 na kinabibilangan ng 18 kabaihan.

Ganap na alas-10:00 ng umaga ay pinamunuan ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Eduardo Oban ang ceremonial incorporation sa PMA Borromeo Field na siyang hudyat para maging ganap na silang bahagi ng nasabing premier military institution ng bansa bilang mga  full pledge cadets.

Maaari na rin silang makihalubilo sa mga upper classes.

Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng parada at nagtapos sa pamamagitan ng parade and review.

Sa mensahe ni Oban, pinaalalahanan nito ang mga bagong kadete na  pagkatapos ng unang phase ng kanilang pagsasanay ay tiyak na marami pa silang haharapin na mabibigat na  pagsubok.

Hinimok din ng opisyal ang mga bagong kadete na pagbutihin  nila ang kanilang  pag-aaral  para makamit nila ang kahusayan at kagalingan para maging produktibo silang bahagi ng komunidad.

Maliban dito, pinasamalatan din ni Oban ang mga magulang ng mga bagong kadete kasabay ng pagtiyak sa mga ito na maaalagaan ang kanilang mga anak. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply