1,995 pamilya inilikas sa Rizal

AABOT sa 1,995 na pamilya ang inilikas sa mga evacuation center dahil sa mga pagbaha at pagguho kaugnay ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng bagyong “Falcon” sa buong lalawigan.

Ayon kay Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto, sa bayan ng San Mateo ay aabot sa 1,243 ang inilikas mula sa mga barangay ng Banaba, Sta Ana, Guitnang Bayan, Dulong Bayan, Malanday at Maly, habang 588 na pamilya naman mula sa mga barangay ng Balete, San Jose at Burgos sa bayan ng Rodriguez.

Sa Taytay ay mayroong 102 pamilya mula sa barangay Sta. Ana at Sitio San Lorenzo habang sa Cainta naman ay mayroong 87 na pamilya mula sa barangay San Andres at Sto. Nino.

Sa Antipolo City naman mayroong apat na pamilya mula naman sa Brgy. Inarawan at Brgy. Sta Cruz na apektado naman sa mga flashfloods at pagguho ng mga bundok.

Sa kabuuan ay mayroong 9,651 katao ang kumakanlong ngayon sa mga evacuation centers na inilaan ng pamahalang panlalawigan ng Rizal sa pamumuno ni Gob. Jun Ynares III.

Samantala, hindi naman madaanan ng maliliit na sasakyan ang bahagi ng Marcos Highway sa trapat ng Vermont Subdivision at ang Soliven road sa Brgy. Mayamot, Antipolo City dahil sa mataas na level ng tubig baha. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply