1o kahong ‘red horse’ ng lasenggong police major

ANG lasenggong police major ng PTU Crame  na si Major Michael Garcia ang  kakalantariin natin ngayon.

Bilib ako rito kay Major Garcia kapag nalalasing  ito.

Ibang klase siyang police official dahil kahit masira ang pagkatao niya sa pagiging lasenggero ay wala siyang pakialam kesehodang masira ang pagkatao niya.

Basta ang mahalaga sa kanya ay makalagok siya ng alak sa pamamagitan ng panghaharas  sa mga
naghahanapbuhay.

Alam ba ninyo na minsang lasing na lasing itong si major ay napagtripan niyang  bulabugin ang puwesto ng isang pasugalan sa Caloocan City.

Pinick-up ng mamang pulis na ito ang isa sa mga lalaking personnel ng pasugalan.

Aba’y, sa kalasingan ng walanghiyang pulis ay pinagsasampal niya ang kawawang personnel.

Ang masakit nito, hindi pa nasiyahan ang nasabing major, inikot-ikot pa ang lalaki sa Smokey Mountain at pilit na pinipigang magbigay ng 10 kahon ng Red Horse.

Pero nang walang mapiga ang lasenggong pulis ay basta na lang niya iniwan  ang huli sa nasabing lugar.

Pag ganito nang ganito ang kapulisan natin sa PNP (Palasing-lasing Na Pulis) ay  walang paroroonan ang ‘matuwid na daan’ ni PNoy.

TABLADO SA VICES COLLECTION, TULOY

TABLADO raw ang lahat ng vices na pinagkukunan ng tong-collection ng MPD PS3 sa nasasakupan nito. Pero nakapagtatakang patuloy pa rin na nagbibigay ng tong-collection ang mga iligalista sa bookies ng karera, illegal vendors, club bold shows, pirated vcd/cd, pokpok sa Recto/Avenida, sauna bath, spakol, pekeng dokumento at iba pa. Sa tagiliran ng PS3 sa City jail side mismo dinadala ng mga iligalista ang kanilang tongpats sa PS3!
Di ba, PS3 Comman-der Supt. James Afalla?

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply