2-3 bagyo inaasahan ngayong buwan

INAASAHAN ng mga weather forecasters ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang pagpasok ng dalawa hanggang tatlong bagyo ngayong buwan ng Hunyo.

Sa ngayon ay may namataan silang namumuong Low Pressure Area (LPA) sa silangang bahagi ng Mindanao at maaari umano itong maging bagyo.

“We are monitoring a potential LPA east of Mindanao. It has the characteristics of developing into one,” ayon kay Sonny Pajarilla ng Pagasa.

“Inaasahan natin na nitong Hunyo, dalawa hanggang tatlong bagyo ang maaaring mabubuo,” dagdag pa niya.

Nabatid na mayroong LPA sa Basco, Batanes subalit hindi ito magiging bagyo. Asahan umano ang panaka-nakang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Intertropical Convergence Zone.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply