2.3M

AYON sa ulat 2.3 milyon taun-taon ang college drop-out sa Pilipinas.

Alam na ng marami sa atin na marami na talaga ang mga school drop-outs hindi lang sa kolehiyo kundi sa elementarya at high school.

Mas nakakagulat ang mga drop-outs sa elementary dahil tayong mga Pilipino ay naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon. Alam kong hindi magaan sa dibdib ng isang magulang, na hindi paaralin ang kanilang mga anak.

Pero bakit nga ba marami nang mga bata ang hindi nag-aaral, kahit pa bawal na hindi papasukin sa eskwela lalo ang mga maliliit na bata na nakikita nating pagalagala sa mga kalsada na naghahanap-buhay na sa murang edad pa lang.

Alam natin na malaking dahilan ang kahirapan. Ang iba sigurong mga magulang ay nawawalan na ng motivation dahil marami din namang mga gradwado na hindi rin makakuha ng trabaho.

Akalain na lang na noon ay isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na literacy rate sa rehiyon at sa buong mundo na ang ibig sabihin ay mas marami ang mga Pilipino na may pinag-aralan.  Noon din, ay isa ang Pilipinas sa may pinakamagaling na mga kolehiyo sa Asya kaya marami sa ating mga karatig na bansa ay nagpapadala ng kanilang estudyante para dito mag-aral sa Pilipinas.

Nawa ay seryosohin na ng pamahalaan ang pagbibigay solusyon sa problema sa ating edukasyon bago pa man maging huli ang lahat.  Sa Lunes ay pasukan na sa maraming paaralan sa bansa.  Lahat ba ng bata sa ating mga tahanan, na nasa edad na para mag-aral, ay papasok sa eskwela sa dadating na pagbubukas ng klase?

Kung hindi, bakit? Sa mga tagasubaybay ng kolum na ito, ano ang nakikita ninyong problema sa mga paaralan sa inyong lugar, bakit hindi nakakapasok ang mga bata at ano sa palagay ninyo ang dapat na solusyon.

Ang sabi ni PNoy, tayo ang boss nya, baka sakaling makinig sya kung sa atin mismo manggagaling ang pag-uulat at mga sumbong.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply