2 bagyo nakaamba ngayong weekend

MAY posibilidad na maging ganap na bagyo ang dalawang low-pressure areas (LPAs) na namataan sa Silangan ng Mindanao ngayong Biyernes at Sabado.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), inaasahan ang pag-ulan ngayong weekend partikular sa East at South Mindanao.

“Itong isang [low-pressure area] maaring magiging tropical depression bukas o Sabado,” ayon sa panayam kay Pagasa forecaster Ben Oris sa dzBB.

Dugtong pa ni Oris, Egay ang ipapangalan sa paparating na bagyo.

Ayon sa Philippine-based weather site Typhoon2000, 50 porsiyento na magiging bagyo ang sama ng panahon sa loob ng 24 oras.

Sa kasalukuyan, magdudulot si Egay ng pag-ulan sa eastern at southern Mindanao ngayong weekend.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply