2 bagyo papasok na sa bansa

BUKOD sa bagyong “Egay,” dalawang bagyo ang hahagupit sa bansa bago matapos ang ang Hunyo.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), dalawa pang bagyo ang inaasahang papasok sa Hunyo.

Sinabi ni  Department of Science and Technology (DOST)-Pagasa Dir. Usec Graciano Yumol, bukod sa tropical depression “Falcon” na papasok bukas sa bansa, isa pang low pressure area (LPA) ang kanilang binabantayan na magiging bagyo at posibleng pumasok din ito ng Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na linggo na tatawaging “Guring.”

Malaki rin ang posibilidad na dadaan sina “Falcon” at “Guring” sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Egay.

Bagama‘t hindi direktang tatama sa kalupaan ang dalawang bagyo ay pinag-iingat pa rin ng opisyal ang mga residente sa mga nabanggit na lugar.

Ang hagupit ni “Egay” ay nag-iwan ng daan-daang stranded passengers sa bayan ng Sta. Ana at Apari, Cagayan

Ayon kay kay Petty Officer Ernesto Renon ng Philippine Coast Guard (PCG) Aparri, bagama’t tinanggal na ang babala ng bagyo sa probinsya matapos makalabas sa bansa ang tropical depression Egay, kanselado pa rin ang biyahe ng mga sasakyang pandagat lalo na sa mga maliliit na bangka.

Hindi pa rin ligtas maglayag sa karagatan ang maliliit na sasakyang pandagat dahil sa malalaking alon na iniwan ng bagyong “Egay.”

Una rito, 117 mga pasahero ang na-stranded sa Aparri at San Vicente, Sta. Ana matapos pigilang makabiyahe kahapon ang 10 cargo vessels at service motorbanca na papunta sana sa coastal towns ng Maconacon at Divilacan sa Isabela at Camiguin Island sa Aparri, Cagayan bunsod ng sama ng panahon.

Ayon kay Renon, ang kanilang paghihigpit ay upang mailayo sa kapahamakan ang mga maglalayag dahil hindi pa gaanong maganda ang lagay ng panahon dahil kalalabas lamang sa Philippine area of responsibility ni “Egay.” Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply