2 bangkay lumutang sa Davao del Sur

DALAWANG katao, kabilang ang isang paslit, ang lumutang sa tubig-baha at ilog sa magkahiwalay na bayan sa Davao del Sur.

Ayon kay Senior Insp. Ferdinand Casiano, hepe ng Kiblawan Police, natagpuan ang naaagnas na bangkay ni Angela Salutan, 4, sa Barangay Balasiaw noong Lunes.

Sinabi ni Casiano na nahirapang kilalanin ang bata dahil halos nabura na ang mukha nito at tanging ang damit ang ginamit na basehan ng kanyang pagkakakilanlan base sa deskripsyon ng mga kaanak nito.

Isang bangkay naman ng babae ang natagpuan sa Mal River sa Barangay Manga sa bayan ng Matanao.

Hindi nakilala ang biktima dahil halos magkalasog-lasog na ang katawan nito sanhi ng matagal na pagkakababad sa tubig. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply