2 bus nagsalpukan sa QC, 14 sugatan

UMABOT sa 14 katao ang nasugatan matapos salpukin ng isang pampasaherong bus ang isa pang bus sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City, Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasugatan na sina  Rolando Muron, 46, Emeterio Tecson, 40, Joseph Colonia, 41,Junar Pineda, 26, Clariz Conde, 38, Resty Ronquillo, 26, Dominique Costaneous, 40, Danilo Almasen, 37, Gerimele Andoquine, 32, Cris John Cecillo, 27, Rolly Remulin, 27, Christian Diano, 31, Ryan Denisa, 19, Donisio Eusebeio, 42 na agad nilapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center.

Ayon kay Traffic Enforcer Noel Moya ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 5, naganap ang insidente dakong  5:50 ng madaling araw kanina sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, corner Laura St., Bgy. Old Balara, QC.

Sinabi sa ulat na sakay ang mga biktima ng pampasaherong bus na Jell transit (TXW-287) na minamaneho ni Mario Daquiado at binabagtas ang kahabaan ng Commonwealth Avenue patungong Philcoa galing Fairview nang biglang salpukin ang hulihang bahagi nila ng Nova bus (TWL-723) na minamaneho ni Ernie Dulay.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok sa hulihang bahagi ng Jell transit ay nasugatan ang mga sakay na pasahero ng naturang bus.

Agad isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang biktima na nagtamo ng mga galos sa mga katawan.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries ang driver ng Nova bus dahil sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply