2 Cebu Pacific flights kinansela

DAHIL sa sama ng panahon dulot ng bagyong Egay, kinansela ng Cebu Pacific ngayong Lunes, Hunyo 20, ang kanilang dalawang flights sa Manila at Caticlan.

Sa ipinalabas na anunsyo kinansela ng Cebu Pacific ang mga biyahe ng # 5J-893: Manila to Caticlan at # 5J-894: Caticlan to Manila. Ang Caticlan ay destinasyon patungo sa sikat na Boracay Island resort.

“Affected passengers will be accommodated on the next available flights. You may also rebook within 30 days of cancellation or Travel Funds without penalties,” ayon sa inilabas na anunsyo ng Cebu Pacific.

Ayon sa pamunuan ng Cebu Pacific, humihingi sila ng paumanhin sa kanilang tagapanugot dahil inaalala lamang nila ang kaligtasan ng mga tumatangkilik sa Cebu Pacific.

Bagama’t ipinahayag ng  Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na palabas ng bansa ang Tropical Depression Egay, maari pa rin umano itong lumakas bunga ng southwest monsoon.

Sinabi pa ng PAGASA na ang monsoon ay nagdudulot ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng  Luzon at Visayas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply