2 domestic flights, 1 international flight kinansela

KINANSELA ng Philippine Airlines (PAL) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kanilang dalawang domestic flights patungong Puerto Princesa at pabalik ng Manila.

Ang mga kinanselang flights ay ang PR-195 na patungong Puerto Princesa na lilipad sana dakong alas-8:00 ng umaga at PR-196 na lilipad sana dakong-11:30 ng umaga pabalik sa Manila.

Samantala kansalado rin ang flight patungong Nagoya, Japan. Ang kanseladong flight ay ang PR 438 na aalis sana ng alas-2:00 ng hapon sa NAIA.

Ang pagkansela ng flight ay iniuugnay sa aircraft situation o masamang panahon. Bagam’t bumubuti na ang panahon, wala pa ring pagbabago sa ipinatupad na kanselsyon ng flight ng PAL.  Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply