2 gobernador kinasuhan sa Sandiganbayan

SINAMPAHAN ng kasong graft sa Sandiganbayan sina dating sulu Provincial Governors Benjamin T. Loong at Salvacion Z. Perez ng Antique kaugnay sa maanomalyang paggugol sa milyong pisong pondo ng gobyerno.

Sa magkahiwalay na impormasyon na inihanda ng Graft Investigation and Prosecution Officer II Judy Anne Doctor-Escalona na inaprubahan nitong Mayo 16 ni Acting Ombudsman Orlando C. Casimiro, si Loong ay kinasuhan ng walong counts ng paglabag sa RA 3019 o  Anti-Graft and Corrupt Practices Act samantalang dalawang counts naman kay Perez.

Inakusahan si Loong ng panggigipit kay Provincial Treasurer Jesus S. Cabelin upang i-release ang P41.5 milyon bilang cash advances sa tatlong kabayaran na may petsang March 27, April 2 and April 10, 2007 para sa konstruksyon ng cold storage facilities sa Maimbung Sulu.

Inirekomenda ng Sandiganbayan ang piyansang tig-P30,000 sa bawat count ng kaso o kabuuang P240,000.

Sa panig naman ni Perez ay nagtakda ang graft court ng piyansang tig-P30,000 sa dalawang count ng kaso nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply