2 holdaper tumimbuwang sa kalye

KAPWA humandusay sa kalye ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na ang isa’y armado ng baril matapos umanong magtangkang lumaban sa mga tauhan ng Manila Police District sa Sampaloc, Manila Sabado ng medaling araw, Hunyo 4.

Tinatayang nasa edad 30 hanggang 40 ang isa sa napatay, nasa 5’10 ang taas, nakasuot ng long sleeve na kulay itim, pantalong itim at bonnet habang ang isa naman ay tinatayang nasa 30 hanggang 34, nakasuot ng kulay pulang t-shirt, gray na short pants at armado ng kalibre .38 baril.

Batay sa ulat ni Det. Efren Flores, may hawak ng kaso ng MPD-Homicide Section, dakong 1:30 ng madaling araw nang kapwa tumimbuwang ang dalawa sa Altura st. sa Sampaloc.

Nauna rito, isang Christine Camaclang, 36, ng Anabu  1 sa Imus Cavite ang naglalakad sa nasabing lugar nang sumulpoit sa dilim ang dalawa na naka motorsiklong Yamaha (PD-1530) at nagdeklara umano ito ng holdap sabay hablot sa bag ng biktima at mabilis na umarangkada sa madilim na bahagi ng lugar.

Kasalukuyan naman na nagsasagawa ng pagpapatrol ang mobile car ng Anti-Crime Unit na tauhan ni P/Supt. Jemar Modequillo na sina PO2 Benito Casauay at PO2 Reynaldo Olivo nang  humingi ng tulong ang nasabing biktima.

Dito na nagkaroon ng mainitang habulan at pagsapit sa Mangga st. sa Sampaloc, nakorner na nila ang dalawa ngunit tinangkang bumunot ng baril ang naka-angkas na suspek kaya ito pinagbabaril ng mga awtoridad.

Nabawi ang bag ni Camaclang na naglalaman ng cash na P830.00 at Nokia 1600 na nagkakahalagang P2,000.00 at iba pang gamit.

Matapos marekober ang gamit ni Camaclang, dinala ito sa mismong pinangyarihan ng insidente at kinumpirma nito na sila ang nangholdap sa kanya. Rene Crisostomo

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply