2 kalaboso sa panghoholdap ng dyip

KULUNGAN ang bagsak ng dalawang holdaper nang maaresto matapos na mangholdap ng pampasaherong dyioni Martes ng gabi, Mayo 31, sa Paco, Maynila.

Hawak na ngayon ng Manila Police District-Police Station 5 ang suspek na si John Paul Villar, 21, residente ng Zamora St., ng nasabing lugar at ang kasamahan nitong menor de edad na hindi na pinangalanan.

Nabatid na dakong 9:30 ng gabi nang holdapin ng mga suspek ang isang pampasaherong dyipni sa kahabaan ng Penafrancia at San Antonio sts. sa Paco, Maynila kung saan sakay ang biktimang si Mariel Ramos,17, residente ng Barangay Tejeros sa Lungsod Makati.

Binabagtas ng dyip ang nasabing lugar ng  magdeklara ng holdap ang mga suspek at kinuha ang hindi pa mabatid na halaga ng gamit at pera ng biktima.

Nakahingi lamang ng saklolo ang biktima sa ilang mga residente sa lugar nang makababa ang mga suspek na nagresulta naman ng pagkakaaresto ng mga ito.

Isinailalim na sa inquest procedure ang mga suspek sa City prosecutors office.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply