2 holdaper patay sa engkwentro sa QC

PATAY ang dalawang holdaper makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad ilang minuto matapos holdapin ang isang burger store sa Quezon City, Huwebes ng umaga.

Inilarawan ni P/Supt. Marcelino Pedroso Jr., hepe ng Police Station 4 ng QCPD, ang mga suspek na nasa pagitan ng edad 25-30, may taas na 5’3-5’5, nakasuot ng

puting t-shirt; at short pants na maong; habang ang isa naman ay nasa edad 22-25, may taas na 5’1, payat, may tattoo na Vilma sa kamay, nakasuot ng puting-t-shirt at maong na shorts pants.

Nagawa namang tumakas ng isa sa mga suspek sa gitna ng putukan sakay ng motorsiklo  na gagamitin sana nilang get away.

Napatay ang mga suspek makaraang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis mula sa nasabing himpilan, matapos humingi ng tulong ang crew ng burger machine na si Iryne Ratilla na kanilang hinoldap at natangayan ng P250.00.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Glen Consorte ng PS4, nangyari ang insidente sa Quirino Highway, Novaliches ganap na alas 4:50 ng madaling-araw.

Bago nito, nagbabantay si Ratilla sa burger machine nang dumating ang mga  suspek at nagkunwaring customer. Ilang sandali pa ay biglang naglabas ng baril at nagdeklara ng holdap.

Nang makuha ng mga suspek ang pakay ay agad sumakay sa isang motorsiklo at nagsipagtakas patungo sa northbound lane ng Quirino highway.

Nang makita naman ni Ratilla ang mobile patrol car ay humingi ng ayuda, kung  saan hinabol ang mga suspek at nang makorner sa lugar ay nagkaroon umano ng palitan ng putok hanggang sa mapatay ang dalawang biktima.

Narekober sa mga suspek ang tatlong kalibre 38 baril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply