2 kawatan dedo sa mga parak

DALAWANG hinihinalang mga magnanakaw ang napatay kaninang madaling araw, Hunyo 4, makaraang makipagbarilan ito sa mga pulis sa Maynila.

Nabatid na katatapos pa lamang mangholdap ang hindi pa nakikilalang mga kawatan na sakay ng isang motorsiklo nang habulin ng mga pulis . Pinaputukan umano sila ng mga salarin kaya ginatihan nila ito ng putok.

Nasawi ang dalawa sa enkuwentro at nakuha ang isang kalibre .38.

Tiyempong nagpapatrolya ang mga pulis nang mamataan ang mga salarin.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply