2 kawatan tigok sa mga pulis sa Bohol

TIGOK ang dalawang kawatan nang makipagbarilan sa mga pulis Bohol, iniulat ng pulisya Huwebes ng umaga.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., unang sinalakay ng mga hindi pa nakilalang magnanakaw ang tindahan ng isang Allan Badilla sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Danao,

Mabilis namang nakaresponde ang mga awtoridad at nang maabutan ang mga kawatan ay nanlaban ang mga ito.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang dalawa.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply