2 kelot, 1 paslit nalason sa isda

DALAWANG lalaki at isang paslit ang isinugod sa hospital makaraang umano’y malason sa kinaing isda sa Quezon City.

Ayon sa GMA late News, dinala sa Novaliches District Hospital si Rafael Asis, residente ng Quezon City, makaraang dumaing ng pagkahilo, panghihina at ilang pang sintomas ng pagkalason ng pagkain.

Naramdaman ni Asis ang mga naturang sintomas matapos kumain ng isda sa isang karinderya sa Commonwealth Avenue.

Samantala, isang lalaki at isang paslit naman ang isinugod sa hospital makaraang makaranas din ng sintomas ng pagkalason nang kumain ng isda sa Pangasinan.

Nabatid na hindi pa naman dinedeklara ng doktor na tumitingin sa dalawa kung ang kinaing isda ang dahilan ng pagkalason.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply