2 Koreano sugatan sa riding-in-tandem

SUGATAN ang dalawang Korean national nang barilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo matapos tangkaing manlaban habang hinoholdap ng mga salarin sa Malate, Manila, Martes ng madaling-araw.

Kasalukuyang ginagamot sa Manila Doctors Hospital sina Sung KeonN Lee, 32 at isang Nae Wook Kim, 29, ng 1402 –A Armanda St., Zapote, Las Piñas City habang mabilis namang tumakas bitbit ang ginamit na baril ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Malate Police Station 9, dakong 3:20 ng madaling araw nang maganap ang nasabing insidente sa tapat ng isang saradong KTV na La Vida sa Mabini St., malapit sa panulukan ng Aguida St., Malate.

Ayon sa report ng pulisya, naglalakad noon ang dalawang turistang Koreano nang tumapat sa kanila ang magkaangkas sa motorsiklo saka bumaba ang isang armado ng baril at nagdeklara ng holdap.

Dito na nanlaban ang dalawa, kaya sila pinaputukan ng isa sa suspek at tamaan sa kaliwang bahagi ng tiyan si Lee, habang sa kaliwang balikat naman tinamaan si Kim.

Nang makarinig ng mga putok ng baril ang ilang nagpapatrulyang barangay tanod, bigla na lamang humarurot papalayo ang dalawa at naiwang duguan ang dalawang turistang Koreano.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply