2 kritikal sa saksak

DALAWANG construction worker ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagsasksakin ng isang volunteer tanod Linggo ng gabi, Hunyo 19, sa Bagong  Silang, Caloocan City.

Ang unang biktima na nakaratay at ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng malalim na saksak sa kaliwang tiyan ay nakilalang si Marco Antonio Abella, 19, habang si Ronald Dabal, 19, ay kasalukuyan ding ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi rin ng tinamong malalim na sakak sa dibdib.

Agaran naman nag palabas ng manhunt operation si Sr.Supt. Jude Welson Santos sa kanyang kapulisan sa ikadarakip sa suspek na si Ernesto Jimenez, volunteer tanod sa nasabing barangay.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Carlos Almario ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan Police, dakong alas-7:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa tapat mismo ng bahay ni Abella sa nasabing barangay.

Sa pahayag ng saksing si Anna Angelica Abella, nakatayo sa tapat ng kanyang bahay si Marco nang biglang ni Jimenez at agad tinarakan sa tiyan.

Tinangkang awatin naman ni Dabal ang suspek subalit siya naman ang agad na tinarakan ng malalim na saksak sa dibdib na nagresulta ng kanilang kapwa pagbagsak sa kalsada.

Mabilis na tumakas ang suspek dala ang patalim na ginamait, habang ang mga biktima ay kapwang isinagod sa mga nasabing pagamutan at kasalukuyang nilalapatan ng lunas ng mga doktor.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa pananaksak. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply