2 kubrador ng jueteng kalaboso sa QC

DAKIP ang ang dalawang lalaki na kubrador ng jueteng sa Quezon City, Huwebes ng umaga,

Kinilala ang dalawang suspek na sina Armando Bautista, 24, ng 26 Palanas St., Brgy., Basra Quezon City at Jessie Gomez, 23, ng 4 Perez St., Brgy., Pansoy, nasabing lungsod.

Sa ulat ni PO2 Glen Mark Gumabay ng Quezon City Police Station 9, naganap ang pagkakaaresto sa dalawang suspek bandang 11:00 ng umaga sa may  Petsaysan Brgy., Old Capital Site, Quezon City.

Lumitaw sa imbesigasyon ni PO3 Juanito Felipe, namataan ang dalawa nang nagpapataya ng jueteng sa nasabing lugar.

Dahil dito, mabilis na nilapitan ng mga awtoridad ang mga suspek bagamat bahagyang nagkaroon ng maigsing habulan na nagresulta naman ng pagkakaaresto nina Bautista at Gomez.

Nakuha ng awtoridad sa mga suspek ang 7 lastillas Jueteng at bet list.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply