2 LPA banta sa bansa

DALAWANG low-pressure area (LPA) ang nagbabanta ngayon at magdudulot ng pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa apat na parte ng bansa.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) forecaster Ben Oris, isa sa LPA ang tinututukan ngayon na posibleng maging bagyo.

“Dalawang LPA ang namataan [pero] sa loob ng 24 oras hindi pa po [magiging bagyo] ang mga ito,” ayon kay Oris sa isang panayam sa dzBB.

Ayon pa kay Oris, bandang alas-dos ng umaga, namataan ang isang LPA sa layong 330 kilometro northwest ng Basco, Batanes habang ang isa ay sa tinatayang nasa 700 kilomertro east-southeast ng Surigao City.

Kung magiging ganap na bagyo ang pangalawang LPA, papangalanan itong “Dodong.”

Samantala, ayon sa Pagasa  5 a.m. bulletin, magdudulot ang LPA ng kalat-kalat na pag-ulan sa Northern Luzon, Palawan, Eastern Visayas, at Mindanao.

“Extreme Northern Luzon, Palawan, Eastern Visayas and Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms. The rest of the country will have partly cloudy to at times cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms mostly in the afternoon or evening,”  batay pa sa update.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply